Kindergarten teachers sasahod na ngayong buwan– DepEd

SUSWELDO na ngayong buwan ang mga guro sa kindergarten na hindi pa sumasahod mula pa noong Hunyo.

Ito ang tiniyak ngayon ng Department of Education (DepEd).

Natagalan lamang ang pagpoproseso dahil inobliga ng Department of Budget and Management (DBM) ang actual enrollment data mula Hunyo hanggang ngayong buwan para malaman kung ilan din ang mga naka-deploy na kinder teachers, ayon kay DepEd Communications Director Tina Ganzon.

Idinagdag pa niya na pagkatapos ng Oktubre ay mabilis na ang proseso dahil nagkasundo ang DBM at DepEd na ikonsidera ang projected data at ang direktang pagpapasahod ng bawat division.

Inaayos na ngayon ng Finance Department ng DepEd ang badyet na ipadadala sa bawat division para maibigay na ang naantalang sweldo ng mga guro.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply