Klase ng kindergarten sa NCR sinuspinde

NILINAW ngayong umaga ng Department of Education (DepEd) na tanging kindergarten lamang ang sinuspindeng klase sa National Capital Region (NCR).

Sa ipinahayag na anunsyo ng ahensiya, ang nabanggit na advisory ay batay sa babala ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na patuloy pa ring makakaranas ng pag-ulan ang buong NCR dahil sa epekto ng bagyong “Ramon.”

Sinabi ni DepEd Region 4-A Director Dr. Lorna Dino, walang pasok ang pre-school sa Laguna, Cavite at Batangas dahil nasa ilalim ng public storm signal number 1 ang mga nasabing lugar.

Kasama ring sinuspindi ang pasok ng pre-school sa Antipolo City bagama’t hindi nasa ilalim ng signal number 1 ang lalawigan ng Rizal.

“Sa Metro Manila, preschool level suspendido ang klase pero ang elementary at secondary may klase,” ayon kay DepEd regional director Elena Ruiz.

Pero nilinaw din ng opisyal na nasa desisyon pa rin umano ng mga local government units at mga school officials kung magsususpende ang mga ito ng klase lalo na kung nakakaranas ang kanilang lugar ng pag-ulan at pagbaha. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply