Klase sa Bacolod kanselado na rin

KINANSALA na rin ang klase sa pre-schools at elementary schools sa lungsod ng Bacolod ngayong araw matapos isinailalim na sa storm signal number 1 dahil sa bagyong Ramon ang buong Negros Occidental.

Ang kanselasyon ay ipinag-utois ni City Schools Division Superintendent Gemma Ledesma, kaugnay sa isinagawang pagpupulong kagabi ng City Risk Reduction and Management Council (CRRMC) sa
pangunguna ni Mayor Evelio Leonardia.

Agad namang ipanaabot ang mensahe sa mga school principal sa iba’t ibang paaralan upang mabigyan ng abiso ang kanilang mga mag-aaral.

Nakapaloob sa order ng Department of Education (DepEd) na kung itaas na sa storm signal 2 ang lalawigan ay automatic na kanselado rin ang klase sa sekondarya.

Kasabay nito, pinaghanda na rin ni Dr. Ledesman ang mga paaralan na magsisilbing evacuation center sakaling magkaroon ng baha sa lungsod.

Una rito, nagdeklara rin ng suspensyon ng klase ang lungsod ng Cadiz sa lalawigan ng Negros Occidental bilang precautionary measure sa pagtama ng bagyo sa lalawigan.

Inihayag rin ni Lt. commander Dionsio Senador, ng Coast Guard Bacolod Station ang kanselasyon sa biyahe ng mga fastcrafts at Ro-Ro vessels mula Bacolod patungong Iloilo dahil sa malalaking alon sa karagatan.

Dahil dito, daan-daang mga pasahero ang na-stranded sa pantalan ng Bacolod.

Pinagbawalan din ang pagpunta sa laot ng mga mangingisda dahil sa mapanganib na kondisyon ng karagatan.

Pinapayuhan din ang mga naglayag na bumalik upang makaiwas sa disgrasya bunsod ng sama ng panahon.

Sa ngayon, hindi pa naman nararamdaman ang malakas na ihip ng hangin sa lungsod ng Bacolod ngunit patuloy ang malakas na pagbuhos ng ulan simula pa kagabi.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply