KMU sa oil companies: Magpa-cross examination sa publiko

HINAMON kaninang umaga ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang mga kompanya ng langis na magpailalim sa cross-examination ng publiko sa harap ng sunud-sunod na pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Sinabi ni KMU Chairman Elmer Labog na dapat magkaroon ng full disclosure ang mga kumpanya ng langis ng kanilang book of accounts.

Kailangan umano kasing ipakita ng oil companies ang tunay na presyuhan ng krudo sa pandaigdigang pamilihan mula noong taong 2008 at kung magkano ang ibinibigay nito sa kani-kanilang mother companies sa labas ng bansa.

Sa ganitong paraan daw kasi, maipapakita ng mga kuimpanya ang kanilang sinseridad sa paggiging transparent sa presyuhan ng kanilang mga produktong petrolyo at maiiwasan ang hinalang may nagaganap na cartel sa industriya ng langis sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply