Knowing na yan!

SA giyera sa Mindanao, ang mga pulitiko lamang ang nakikinabang at knowing mo
na yan.

Habang lumalala ang giyera, lalong nagkakamal ng milyon-milyong piso ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno, ng military, ng pulisya, ng mga rebelde at pati na mga kung tawagin ay mga lawless ele-ment sa Mindanao.

Sino ba ang mga lawless element talaga sa Mindanao?

Unang-una na ay ang mga mandarayang kandidato at kanilang mga powerful backer na walang ginawa kundi maghasik ng gulo sa Mindanao.

Nangunguna na riyan, kung paniniwalaan natin ang mga naglabasang whistle blower, ay si Gloria Macapagal Arroyo at asawang si Mike, si Comelec Chairman Ben Abalos at ang kanyang mga kasama, ang mga pinuno ng ARMM, ang mga pulis at mga military officer.

Sila ang mga lawless element na handang pumatay ng mga Kristiyano at mga Muslim upang sila ang maghari sa Mindanao.

At ang mga Muslim rebel?

Sila ay lawless at magiging lawful lamang sila kapag nagta-gumpay na sila sa pagiging independent state.

Samantalang hindi pa nangyayari yan, sila ay mananatiling lawless. Subalit ang pagiging lawless ng mga freedom seeker ay kakaiba.

Binigyan sila ng gobyerno ng karapatan na magtayo ng kanilang sariling armed forces upang gamitin laban sa gobyerno.

Katawa-tawa talaga yan, kataka-taka at karumal-dumal.

Sa Mindanao, ligal ang iligal na pag-aari ng armas na walang permit ng PNP at AFP. Ligal din ang pagpatay ng kahit sino pa man, maging Muslim ka o Kristiyano.

Ligal din ang sariling teritoryo na hindi puwedeng pakialaman ng pamahalaan, otherwise, patay kayo sa mga bata ng MILF.

Alam na ninyo talaga iyan at ayaw ko namang kulitin kayo sa katotohanang iyan.

Knowing din ninyo yan na type ng America ang MILF dahil gusto ng Amerika na magkaroon sila ng American military bases matapos magwakas ang US bases agreement sa Luzon.

Malamang na kung magkaroon ng sariling Muslim state sa Mindanao, ang America ay mangunguna sa pagbigay ng mili-tary at economic aid sa bagong republika.

At sigurado na lalong maki-kialam sa Mindanao politics ang mga Kano.

Knowing na ninyo yan!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply