Kolorum ‘tatapusin’ ng LTFRB ngayong Oktubre

IPINANGAKO ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na malalaman na kung anu-anong kompanya ang nagpapatakbo ng mga kolorum na bus sa Edsa bago matapos ang buwan na ito.

Ayon kay LTFRB chairman Jaime Jacob, konsumido na siya sa mga iligal na kolorum sa Edsa kaya ipinangako na bago matapos ang Oktubre ay kanila itong wawalisin.

Sinabi pa ng opisyal, ang road capacity ng Edsa para sa mga bus ay 3,000 lamang kada araw subalit dahil sa mga iligal na kolorum ay lumalabas na ha;os 4,000 bus ang tumatakbo doon kada araw.

Dahil din sa nasabing mga kolorum na bus na nagiging sanhi ng pagsisikip at pagbabagal ng daloy ng trapiko sa Edsa ay nalulugi ang Pilipinas ng P90 milyon kada araw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply