Kondisyon ng tubig sa Taal Lake bumuti na

GUMAGANDA na ang kondisyon ng tubig sa Taal Lake sa Batangas kasunod ng mga naitalang fishkill na naganap doon kamakialan kung saan namatay ang tone-toneladang isda.

Mababa na ang antas ng disolved oxygen sa nasabing lawa na siyang naging dahilan ng pagbuti ng kondisyon ng tubig doon.

Gayunman, pinayuhan ng mga awtoridad na huwag munang maging kampante ang mga may-ari ng fish-cage dahil nabatid na may amonia ang tubig na mayroong masamang dulot sa mga isda sa lawa.

Ang amonia ay napag-alamang galing sa mga dumi ng baboy sa mga pigery na malapit sa lawa.

Sinabi rin ng lokal na pamahalaan na agad na i-report sa kanilang tanggapan kung may mga lumalabag sa proper waste disposal o kung mayroong nagtatapon ng dumi ng hayop sa tubig ng lawa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply