Kondisyon ni GMA kumplikado pa– Suarez

MALAKI ang ipinayat ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo matapos matuklasan ang isang panibagong sakit mula sa lumutang na kumplikasyon dulot ng ikatlong operasyon.

Ito ang kinumpirma ni House Deputy Minority Leader at Quezon Rep. Danilo Suarez.

Aniya, masasabing “life threatening” ang sakit ni GMA bagama’t tumanggi siyang pangalanan ito dahil hindi siya isang doktor.

“Weak voice, she lost a lot of weight, ang payat payat na. For her to recover fast they must address that illness that they have discovered. Calcium deficiency yes, part of her problem dahil hindi makapag-produce ng tamang calcium para mag-regenerate iyong bones na inilipat sa batok. It is a different ailment,” ani Suarez na kamakailan lamang ay nadalaw si Arroyo kasama ang mga miyembro ng Minorya.

Nakakalakad man aniya si Arroyo subalit sa patag na lugar lamang at hindi maaaring umakyat at bumaba sa hagdan.

Kinumpirma rin ni Suarez na pinag-aaralan na ng pamilya ang makapagpagamot sa ibang bansa si Arroyo subalit patuloy itong tinatanggihan ng dating Pangulo.

“Well they are exploring the possibility but it is not in Singapore. As much as possible she does not want to leave. Ang thinking ko ay ang comfort. Hindi naman sasakay ka lang sa eroplano at ang dami kasing restrictions sa movement niya eh tapos baka magkaroon pa ng isang matinding turbulence,” ayon kay Suarez.

Sa ngayon aniya ay wala pang doktor sa St. Luke’s ang nagsasabing hindi kayang gamutin at kailangan ng magtungo sa ibang bansa si Arroyo.

Inaasahan din na maglalabas ang mga doktor ng St. Luke’s anumang araw ngayon kaugnay sa tunay na kalagayan ng dating Pangulo, ayon kay Suarez.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply