Kongreso nabulabog kay Shamcey Supsup

ILANG beses sinuspendi ang sesyon ng Kamara de Representantes kanina upang bigyang daan ang pagpapakuha ng litrato ng mga kongresista kay Ms. Universe 3rd Runner-Up Shamcey Supsup.

Bago ibinigay ang plake ng pagkilala kay Supsup dahil sa tagumpay sa sinalihang patimpalak ay nagkumahog ang mga mambabatas na magpakuha ng litrato.

Sa pagmamadali ay nahulugan pa ng kanyang cellphone si Pangasinan Rep. Rachel Arenas, samantalang si Senior Citizen Partylist Rep. Godofredo Arquiza ay ginawa pang cameraman ng kanyang misis na nakipag-unahan din na magpa-picture kay SupSup gamit ang kaniyang cellphone.

Matapos ang halos 30 minutong suspensyon ay sinundo na si Shamcey nina Reps. Rodolfo Fariñas, Dan Fernandez at General Santos Rep. Pedro Acharon Jr. sa gitnang gallery upang ihatid sa kinauupuan ni House Speaker Feliciano Belmonte.

Dito ay inabot kay Shamcey ang plake matapos basahin ang isang resolusyon.

Maging ang mga empleyado ng Kamara ay pansamantalang tumigil sa trabaho upang pumunta sa plenaryo at masilayan si Shamcey na nang magkaroon ng pagkakataon ay nagpakuha rin ng litrato sa beauty queen.

Dalawang beses namang bumalik sina Pangasinan Rep. Gina de Venecia at Mindoro Rep. Amelita Villarosa sa kinauupuan ni Shamcey upang muling magpakuha ng litrato.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply