Konsehal at ang kanyang manugang na lolo na

TAKOT na takot daw ang untouchable na gambling lord ng Quezon City na makilala ng  publiko ang kanyang manugang na konsehal na sinasabing mas matanda pa raw sa nanay niya.

Sa impormasyong nakarating sa Lily’s Files ay ayaw na ayaw raw nitong si Ver Bicol na mababanggit ang kanyang manugang na konsehal na sinasabing pinakamatandang konsehal ng Quezon City.

Nahihiya raw itong si Ver Bicol na malaman ng publiko na ang kanyang unica iha ay nakapag-asawa ng matanda pa sa nanay niya.

Wala akong makitang masama kung nakapag-asawa man ng matanda ang anak nitong si Ver Bicol na tinagurian ngayong untouchable na gambling lord ng QC dahil na rin sa taglay nitong impluwensiya  mula sa kanyang matandang manugang at ilang kaibigan mula sa Quezon City Police District (QCPD).

Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit ikinahihiya ito ni Ver Bicol na ang tunay na pangalan ay Vergilio dela Paz, gayung malaki naman pala ang pakinabang niya rito bilang pinaka-astig na gambling lord ng Quezon City.

Ayon sa ating mga source, halos lahat daw ng mga maliliit na gambling lord ng Quezon City ay nasa ilalim na ngayon ni Ver Bicol, maging ang jueteng ay unti-unti na rin daw pinapasok nito sa pamamagitan ng kanyang hilaw na bayaw na dati umanong finance officer ng QCPD.

Sa ngayon ay malawak na raw ang networking ng operation nitong si Ver Bicol sa lungsod Quezon pero bakit wala yatang nakikita rito ang mga operatiba nitong si QCPD Director Gen. George Regis?

Kaya siguro nagbubulagbulagan dito ang QCPD dahil bukod sa maraming kaibigan itong si Ver Bicol na pulis  ay kasangga, kaibigan at ka-badminton ito ng dating QCPD Director na ngayon ay humahawak ng isang maimpluwensiyang Departamento ng Quezon City Hall.

Sinasabi ring bukod sa mga pulis na nagbibigay ng  proteksiyon kay Ver Bicol ay protektado rin ito ng  Quezon City Hall dahil sa kanyang lolong manugang na konsehal na si Councilor Borres sa  ika-3 Distrito.

Gets niyo na?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply