Konsehal, misis patay sa vehicular accident

MAGKASUNOD na binawian ng buhay ang isang konsehal ng bayan ng Ilocos Sur kasama ang asawa nito sa isang vehicular accident, ayon sa ulat ng pulisya ngayon.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, lulan ng motorsiklo sina Efren Yere, council ng bayan ng Sinait at asawang si Erlina Yere patungo ng Sinait District Hospital.

Sa inisyal na ulat, papaliko ang mag-asawa papasok sana ng nasabing hospital ng mahagip sila ng nag-overtake na Isuzu Forward na minaneho naman ni Adonis Maglalay ng Hagonoy, Bulacan.

Natumba ang motorsiklo ng mag-asawa kung saan nadaganan nito ang konsehal habang nasagasaan naman ng truck si Erlinda.

Bunsod nito dead on the spot si Mrs. Yere, habang nalagutan naman ng hininga ang konsehal habang nilalapatan ng lunas sa nabanggit na pagamutan.

Nasa unang termino bilang konsehal ng Sinait si Yere na nag-iwan ng dalawang anak.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply