Kontra-kamandag ng ahas dalhin sa binabahang lugar

HINDI biro ang matuklaw ng ahas.

Hindi na natin kailangang ipaliwanag kung gaano ito kadelikado.

Kung ang natuklaw ng ahas ay nakaramdam na ng antok, malamang na sa punerarya ka na tumawag kaysa sa ospital o sa may ambulansiya para dalhin sa ospital.

Ganyan katindi, Suki, ang pagkamatay mula sa kamandag ng ahas.

oOo

Sinasabi natin ito dahil sa pagkalat ng mga ahas sa mga lugar na binabaha sa Gitnang Luzon.Sinasabi rin natin ito dahil sa isang batang taga-Bulacan na itinakbo pa sa San Lazaro Hospital sa Maynila para mabigyan ng lunas.

Hindi na natin nabalitaan kung naligtasan ng bata ang kamatayan.

At lalong nagkukuwento tayo ukol sa ahas at delikadong kalagayan ng mamamayan mula sa mga ito dahil sa balita nating tila walang ospital na handang gumamot sa mga natutuklaw.

oOo

Sa madaling sabi, Suki, dapat magdala ang mga kinauukulan ng mga kaukulang gamot laban sa kamandag ng ahas sa mga ospital na nasa kinakalamidad na lugar.

Dapat na samahan din ito ng pagtatalaga ng mga mediko para rito.

Maganda ring gumawa ng mga emergency seminar sa mga taga-barangay kung ano-ano ang mga posibleng First Aid na ilalapat ng mga mag-kakapitbahay sa mga natutuklaw.

Ang sabi ng ilang lokal na opisyal, Suki, huwag ilabas sa media ang problema sa ahas dahil natatakot na mismo ang mga nagdadala ng tu-long sa mga nasasalanta.

Pero hindi natin pupuwedeng gawin ito dahil nakataya naman ang buhay ng mga tumutulong.

Mabuti na ring makapag-ingat sa ahas ang mga tumutulong at maalerto ang mga kinauukulan sa nakatatakot na problema.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply