Koprahan nasunog sa CDO

ISANG koprahan sa lungsod ng Cagayan de Oro ang nasunog kahapon ng hapon.

Naabo ang umaabot na 50 sakong o hindi bababa sa tatlong libong kilong kopra sa Dean Heng Drier na pagmamay-ari ng isang Henry Ching.

Base sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa mismong drier ng kopra. Kaagad umanong lumaki ang apoy dahil sa mga coconut oil sa lugar, ayon kay City Fire Mashall S/Insp. Ceriaco Talilis.

Inaalam pa kung magkano umabot ang halaga ng nasabing sunog.

Samantala, dahil sa pagkasunog ng Dean Heng ay bumagsak ang presyo ng kopra sa naturang lungsod.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply