Kotong cops nagkalat

SINO ba itong SPO2 Ed-gardo Cayanga na pulis ng Talavera, Nueva Ecija na isinusuka ng mga Novo Ecijano dahil sa grabeng pangongotong sa  bawat sasakyang sinisita nito?

POLICE TALAVERA NA GRABENG MANGIKIL SA MGA TAO
Grabeng mangotong ang pulis ng Talavera na ito dahil kahit walang violation ang mga sinisita nito ay puwersahang kinokotongan ng mamang pulis na ito.

Paanong maibabalik ang tiwala ng mga mamamayan sa mga kagawad ng Philippine National Police (PNP) kung ang mga pulis  ay  gaya nitong si SPO2 Cayanga na sobrang matakaw kung mangotong sa tao?

PNP chief Gen. Nicanor Bartolome, pakibasa lang po ninyo ang text message ng isang concerned citizen.

Gud am, Sir Johnny.

Pakikalampag naman po ang police dito sa Talavera, Nueva Ecija na si SPO2 Edgardo Cayanga.

Malakas pong mangotong dito.

Ihinatid ko lang  sa motor ang asawa ko sa sakayan ng XLT ay hinuli na  kami ganung may plaka at rehistro naman kami.

Tanging driver license po ang wala.

Hiningan kami ng P1,000.

Pag hindi raw kami nagbigay ng P1K, eh, lalagyan daw ng shabu ang motor.

Kahit kanino raw kami  magsumbong, siya raw ang papanigan dahil siya ang nasa posisyon.

Masyadong mayabang ang pulis na ‘yan. Thanks po.

SI COL. MENDEZ  ANG PROTECTOR DAW

Hindi pa rin binubuwag ng  mga kagawad ng pulisya ang puwesto pijong peryahan ng mag-among Lourdes Tomboy at ang locator  nitong si Leo sa Bulacan.

Wala kasing ipinagmamalaki ang mag-among ito kundi si Bulacan PD Supt. Fernando Mendez.

Halos buong Bulacan, partikular na ang Pulilan, ay kabilang sa mga puwesto ng mag-amo. Kumpleto ang parating ng mag-amo sa kapulisan kaya hindi sila nagagalaw.

oOo

Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o kaya mag-email sa juandesabog@ yahoo. com.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply