Kotse nasunog sa basement ng Pagcor Drive

ISANG kotse ang tinupok ng apoy sa basement ng Pagcor Drive ngayong umaga sa Barangay Sto. Nino, Paranaque City.

Batay sa ulat ang kotseng kulay puti ay pag-aari ng isang empleyado na bigla na lamang umanong lumagablab habang nakapara sa basement ng gusali ng dating Duty Free.

Ayon sa pahayag ng isang security guard, unit-unti umanong lumalabas sa sasakyan ang makapal na masang-sang na usok hanggang sa kumalat ang apoy banding alas-9:55 ngayong umaga.

Sa kalukuyan inaalam pa ng pamatay sunog ang sanhi ng pag-apoy sa sasakyan, wala naman nadamay sa kaganapan habang hinahanap pa ang may ari ng sasakyan na tinupok ng apoy. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply