Kotse sumalpok sa barangay hall, 2 tepok

PATAY ang dalawa katao makaraang sumalpok ang sinasakyang kotse sa barangay hall ng Mabulo, Naga City kaninang madaling-araw, Oktubre 6.

Nabatid na dead on arrival sa Bicol Medical Center si Edwin Violeta, 33, optometrist, ng Zone 1-B, Barangay Tinangis, Pili, Camarines Sur habang dead on the spot naman ang ang nagmamaneho ng sasakyan na si Rainier na umano’y ahente ng isang subdivision at dating taxi driver.

Bandang ala-1:30 ng madaling araw nang mangyari ang insidente kung saan habang matuling binabaybay ng kotse ang Maharlika highway nang sa hindi malamang dahilan ay gumewang-gewang ito sa daan at sumalpok sa barangay hall.

Wasak ang pader nito at durog naman ang unahang bahagi ng sinasakyan ng mga biktima na Toyota Corola Sedan with plate number DEJ 491.

Kasalukuyang inaalam ng pulisya ang tunay na dahilan ng pagkakasalpok ng kotse.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply