Kulang sa pansin, nambugbog ng nanay

KULONG ang 30-anyos na pedicab driver matapos gulpihin ang sariling ina dahil lamang sa hindi pagpansin sa kanya ng huli sa Tondo, Maynila, iniulat ng pulisya kanina.

Kinilala ang suspek na si Jovenito Garcia Feliciano, miyembro ng Batang City Jail (BCJ), ng 238 Mel Alcalde St., Tondo, habang ang kanyang ina ay si Dolores Feliciano, 58.

Batay sa ulat, 11:30 kagabi nang maganap ang insidente sa loob ng kanilang bahay.

Ani Aling Dolores, lasing umanong umuwi ng bahay ang kanyang anak, at komo hindi niya gaanong pinapansin ay gumawa ito ng eksena saka sinuntok sa noo ang biktima.

Nang muling susugurin ng suspek ang kanyang nanay ay mabilis itong tumakbo palabas ng bahay at nagsumbong sa mga barangay Official dahilan para dakpin ang suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply