Kumidnap at pumatay sa 6-anyos paslit tiklo

INARESTO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 35-anyos na babae matapos ang ilang buwang pagtatago sa awtoridad sa kasong pagkidnap at pagpatay sa 6-anyos taong gulang na babae sa Cebu City.

Kinilala ni NBI Director Magtanggol Gatdula ang suspek na si Bella Ruby Erediano, may mga alyas na Chloe Santos, Obing at Bella Heridiano.

Habang nakalalaya naman ang boyfriend nito na ngayon ay nasa London.

Si Erediano ay naaresto sa SM Megamall Building A level II nitong Biyernes dakong 3:00 ng hapon sa bisa ng warrant of arrest dahil sa pagkidnap at pagpatay sa batang si Ella Joy Pigue, ng Naga at Grade 1 pupil ng Calajoan Elementary School sa Cebu City.

Sa report ng Central Visayas Regional Office (CEVRO), naganap ang pagkidnap sa biktima noong Pebrero 8, taong kasalukuyan.

Si Erediano at boyfriend nitong isang Caucasian national ang itinuturong dumukot sa bata na isinakay sa dark colored sports utility vehicle sa bisinidad ng Calajoan Elementary School.

Makalipas ang isang araw ay natagpuan ang biktima sa bangin sa Brgy. Sayaw, Barili, Cebu na nakabalot ng dilaw na bed sheet at nakatali ng telephone cord.

Positibo namang itinuro ng ilang testigo ang suspek na kumidnap sa bata kaya agad na nag-isyu ng warrant of arrest ang Branch 6 Regional Trial Court, Cebu City at sa pakikipag-ugnayan ng CEVRO sa NBI main office ay natimbog ang suspek sa nasabing mall habang namamasyal.

Sa NBI, itinanggi ng suspek ang akusasyon at nilinaw na hindi na niya kailangan pang gawin ang pagkidnap at pagpatay sa biktima dahil ang kanyang dating asawa ay doktor sa ibang bansa at ang sinasabing boyfriend nito na kasabwat sa kaso ay isa ring may mataas na posisyon sa isang kompanya.

Ayon pa sa suspek, nagtungo siya sa Maynila nang malaman na idinidiin sila na may kagagawan sa pagkidnap at pagpatay sa biktima ngunit nilinaw niyang hindi siya nagtatago kundi gusto lamang niyang i-enjoy ang temporary freedom dahil kahit hindi umano siya ang gumawa ng krimen ay huhulihin at huhulihin pa rin siya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply