Kumupkop sa mga Ligot kakasuhan – M’cañang

AGAD na sasampahan ng kasong obstruction of justice at harboring of criminals ang sinumang mapatutunayang nagkupkop kina retired military comptroller Jacinto Ligot at misis na si Erlinda.

Ito ang inihayag ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte bilang tugon sa biglaang pagkawala ng mag-asawang Ligot, matapos mag-isyu ng warrant of arrest ang Court of Tax Appeals (CTA) laban sa kanila dahil sa hindi binayarang buwis.

Aniya, ang sinumang nagiging kasangkapan para makapagtago ang nagkasala sa batas ay nagiging sagabal para umiral ang rule of law.

Tinuran nito na ang responsable sa ganitong hakbangin ay maaaring makulong ng hanggang anim na taon at pagmultahin ng P6,000, base sa Presidential Decree 1829.

Sa kabilang dako,  tiwala naman ang Malakanyang na matutunton ng awtoridad ang mga Ligot dahil sa binuong tracker team ng pulisya at National Bureau of Investigation (NBI).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply