Kusang pagpapabulatlat ng records ng oil companies, samantalahin

PAYO ni Sen. Ralph Recto sa Department of Energy na samantalahin ang kusang pagpayag ng oil companies na ipabusisi sa government auditors ng kanilang accounting books.

Sa ganitong paraan aniya ay malalaman kung nagsasamantala ang oil companies o totoong sang-ayon sa market forces ang itinatakda nilang presyo.

Umaasa naman si Recto na magiging tapat ang oil companies sa mga ipakikitang records.

Kaugnay nito ay inihain naman ni Sen. Miriam Santiago ang Senate Bill no. 1828 na naglalayon na pagmultahin ng 1-milyon hanggang 10-milyong piso ang oil companies kapag nadetermina na hindi makatwiran ang pagtataas nila ng presyo ng kanilang produkto.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply