Hipag gigil angkinin, bunso pinatay ng utol

SA PAG-AAKALANG maaangkin niya ang kanyang hipag ay pinatay ng isang 34-anyos na lalaki ang kanyang bunsong kapatid upang tuluyang masolo ang asawa nito sa Sarangani Province, ayon sa ulat ng pulisya ngayon.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, inaresto ng Sarangani PNP ang suspek na kinilalang si Ruben Labong matapos niyang pagtatagain ang sariling kapatid habang natutulog sa loob mismo ng kanyang pamamahay sa Barangay Patag Malapatan, Sarangani Province.

Sa ulat ng awtoridad, biglang dumating ang suspek bandang alas-2:00 ng hapon, na may bitbit na itak at biglang pinagtataga ang kanyang natutulog na kapatid na si Ernesto Labong sa ulo at sa leeg.

Saksi sa krimen ang mismong asawa ni Ernesto na si Carmelita sapagkat magkatabi sila ng kanyang mister habang nagpapahinga ng biglang dumating ang suspek.

Binantaan umano ng suspek ang asawa ng kapatid na huwag magsusumbong sa mga pulis.

Sinubukang pang itago ng suspek ang ginawang krimen sa pagdedeklarang ibang tao ang pumatay sa kanyang utol subalit hindi nakatiis ang kanyang hipag at inginuso siya (suspek) sa mga pulis.

Inamin naman ng suspek ang pagnanasa sa asawa ng biktima at sinabi na iyon ang nagtulak sa kanya para isagawa ang krimen.

Nahaharap ngayon sa kasong parricide ang suspek na pansamantalang nakakulong sa Malapatan Police station sa Sarangani ayon kay P/Inspector Rodel Javison, police chief ng nasabing bayan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply