La Mesa Dam muling inilagay sa red alert status

INILAGAY muli sa red alert status ang La Mesa Dam sa Quezon City makaraang bahagyang tumaas na naman ang antas ng tubig nito kaninang madaling-araw, Oktubre 10.

Ayon kay Teddy Angeles, Headworks manager ng La Mesa Dam, naitala sa 79.72 metro ang lebel ng tubig sa dam kaninang alas 4:00 ng madaling-araw, na malapit sa 80.15 metrong spilling level nito.

Ito ay dahil umano sa pabugso-bugsong ngunit may kalakasang pag-ulan dala ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at low pressure area (LPA).

Tiniyak naman nitong patuloy nilang ina-update ang mga local government unit (LGU) kung kailangan nang i-evacuate ang mga maaapektuhang residente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply