Labi ng mga sundalong nasawi sa engkuwentro inihatid na sa Westmincom HQ

INIHATID na ngayon sa Punong Himpilan ng Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command (AFP-Westmincom) ang labi ng 13 sundalong napatay sa engkuwentro sa Albarka, Basilan kahapon (Oktubre 18).

Ayon kay Lt. Col. Randy Cabangbang, tagapagsalita ng AFP-Westmincom, 10 sundalo pa ang pinaniniwalaang binihag ng mga naka-enkwentrong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) at Lost Command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Sa ngayon, makikipag-ugnayan na umano ang Westmincom sa Ceasefire Committee on Cessation of Hostilities at Ad Hoc Action Joint Group para palayain ang 10 binihag na sundado.

Dumating na rin sa Zamboanga si Lt. Gen. Arturo Ortiz, Commanding General ng Philippine Army, upang makipagpulong sa mga opisyal ng Westmincom.

Kahapon ng madaling-araw nakasagupa ng mga sundalo ang mga bandidong Abu Sayyaf pero nakisali ang mga miyembro ng MILF Lost Command.

Pinamumunuan umano ang ASG ni Dan Laksaw Asnawi, isa sa mga presong pumuga sa Basilan Provincial Jail noong Disyembre, 2009. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply