Labor group sa Dole: Parusahan ang Keppel

NANAWAGAN ngayon ang Center for Trade Union and Human Rights (CTUHR) sa Department of Labor and Employment (Dole) na parusahan ang Keppel Shipyard dahil sa hindi nito pagsunod sa mga safety standards na nauwi sa disgrasya kamakailan.

Ayon kay CTUHR executive director Daisy Arago, nakapanggigigil na walang sinabing penalty ang Dole para sa Singaporean company na Keppel kahit nilabag nila ang safety standards.

Matatandaang anim ang namatay at pito ang nasugatan ng malubha noong Oktubre 7 matapos bumagsak ang 42-toneladang metal tower na sumusuporta sa Keppel worksite sa Subic.

Sa imbestigasyon ng Dole, kumpirmadong wala silang safety officer at safety health plan nang maganap ang aksidente.

Paglabag ito sa safety rules na ipinatutupad ng Dole.

Binigyang-diin pa ni Aragon na liban sa administrative at criminal liabilities, kailangan ding bayaran ng Keppel ang pamilya ng mga namatayan at nasugatan sa nasabing sakuna.

Idinagdag pa ng CTUHR, na ang kasalukuyang polisiya ng Dole na “self-assessment” ng mga kompanya sa pagtanggap ng mahigit 200 trabahador ay delikado.

Posible umanong maulit pa ito kung ganito kaluwag ang Dole.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply