Lady Troopers, Netbusters wagi sa V-League Invitational

NAGBUWENA-MANO ang Army Lady Troopers nang hiyain ang Malaysian lady tossers sa straight sets sa unang araw ng V-League Invitational Championship sa harap ng malaking grupo ng manonood sa The Arena, San Juan City.

Magkakatuwang ang Carolino sisters – Michelle at Marietta – sa 24 kills na ibinanat habang si former Lady Tamaraw hitter Rachel Ann Daquiz ay nag-ambag ng walong hits sa 25-14, 25-18, 25-21 pagpapasadsad sa mga Malaysian.

Dinurog naman ng pre-tournament favorite Vietnam Netbusters ang Ateneo spikers, 25-15, 25-16, 25-17, na tinampukan ng dalawang Russian hitters na sina Anactaxia Trernai at Ekaterina Martynova na umatake ng 12 habang tinanghal sa topscore na 14 hits at 3 blocks si Martynova na nagpahirap sa team ni coach Roger Gurayeb.

Maghaharap ang Vietnam tossers at Malaysian Netbusters ngayong hapon samantalang pipilitin ng Ateneo volleybelles na makabawi laban sa Army Lady Troopers. Radito Torres

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply