Laguna Gov. ER, Nora Aunor parehong tumigil na sa paninigarilyo

SI LAGUNA Governor ER Ejercito ang escort ni Nora Aunor nang tanggapin ng huli ang gawad-parangal sa kanya ng Philippine Movie Press Club lately.

Kaya nga kinulumpon ng mga reporters ang dalawa at isa sa topic na tanong sa kanila ay tungkol nga sa paninigarilyo.

Naging controversial nga kasi lately yung cover ng isang magazine showing the Superstar holding a lighted cigarette.

For her part, Nora has indicated in numerous interviews na ititigil na niya’ng paninigarilyo. Although medyo mahirap, she says she will try her very best to get rid of smoking.

Lately nga kasi, ubo nang ubo ang Superstar at isa sa dahilan nito ay sobrang paninigarilyo.

“Talaga. Dapat lang. At ngayon ko lang na-realize kung gaano kaimportante ‘yong hindi ka dapat manigarilyo.”

Natapos na siyang mag-shooting para sa “El Presidente” kung saan kasama niya si Laguna Governor ER Ejercito.

In connection with this, nagsabi pa si Nora na gusto nga niyang mabalik ang golden voice niya.

Ayon kay Ate Guy, wala nang makapipigil sa kanya para magpagamot sa Boston, USA, sa lalong madaling panahon para muling maibalik ang nasira niyang singing voice.

Nangako rin siyang kapag natapos at naging successful ang operasyon sa kanyang lalamunan ay magko-concert siya pagbabalik ng Pilipinas. Pero bago umalis para magpagamot sa abroad ay tatapusin muna raw niya ang lahat ng showbiz commitments niya sa ‘Pinas.

Si Gov. ER naman, natanong din tungkol sa isyu. Aniya, tumigil na rin daw siya sa paninigarilyo. But at the same time, nagbigay siya ng opinyon tungkol sa anti-smoking campaign ng bansa. “Okey yan, maganda yan, but if they are really sincere on their campaign, ‘wag naman ang smokers ang pag-initan nila, ang manufacturers ng cigarettes ang kontrolin nila, dapat yung ugat ang kontrolin, ‘wag ang iba. Parang piracy din ‘yan, putulin sa ugat pa lang,” makahulugang pa nitong sabi.

***

Fashionissimo 2011 boasts of 26 good-looking hunks

PURO hunks ang mga kandidato sa Fashinissimo 2011 which will have a final night on October 23 at the Palacio de Maynila in Roxas Boulevard.

The show is directed by our very good friend, Mr. Mac who also directed some numerous sexy shows in the past. Isa sa mga di makalilimutang directorial job ni direk ay ang unang Hataw Bikini open some years ago and I still contend that it’s the best ever among many other Hataw nights.

Anyway, natapos na ang press presentation at pre-pageant night ng Fassionissimo at talaga naming katakam-takam ang lahat ng 26 hunks na humarap sa mga press na inimbita nila sa 7th High sa For Bonifacio kamakailan lang. Kahit sino sa mga kandidato ay puwedeng manalo, but of course, may pabortio ang press at ito ay sina candidate numbers 3, 7, 19 and 25.

Personally nasa kanila’ng mga choices ko but I also favor a foreigner who is very much Filipino looking. Ito si Travis Millard na di ko na ma-remember ang numero. He is youth personified at talaga namang napaka-bubbly ng personality. Very natural siyang kumilos, and we presume, sarap siguro niyang yakap-yakapin. Magaling din siyang sumagot sa mga katanungan at palibhasa’y sa ibang bansa lumaki, particularly in the US, napakahusay niyang um-Ingles. If he, just in case, win the tilt, I could say na fair lang ang nangyari.

But like said, I also like numbers 7 and 19. Si 19 ay si Ernest Morales, na taga-Sta. Rosa, Laguna. We’ve known this hunk since many years ago, dahil kontesero po siya, and has been in one of our Hataw tilt. Noon, he was just like ay other boys in town, pero ngayon, kakaiba na’ng aura niya. Winner na winner nga’ng kanyang dating na napakaposibleng siya ang mag-uuwi ng milyong pisong ipammigay ng CHU Productions na siyang producer ng contest.

By the way, isa si Marc Cubales sa pitong hurado ng Fashinissimo, but it was too unfortunate wala siyang during the pre-pageant night dahil nga nasa London ito para asikasuhin ang bangkay ng ama niya. You see, kalian lang pumanaw ang daddy senior ni Marc at ngayon nga nasa London pa si Marc at baka kasabay na niyang uuwi ang ashes ng daddy niya.

We just wish to extend our condolences to this very nice friend, sana sa final night ng Fashionissimo, makarating na siya.

So there!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply