‘Lakbay-Alalay’ ng DPWH binuhay sa Pista ng Patay

IPINAG-UTOS ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio Singson sa lahat ng regional directors at district engineers na buhayin ang programa ng ahensya na “Lakbay-Alalay” bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga motorista na uuwi sa kani-kanilang lalawigan sa paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Magsisimula ang pagpapakalat ng mga Motorists Assistance Centers sa mga strategic locations sa kahabaan ng mga national highways sa buong bansa mamayang alas-5:00 ng hapon at mananatili sa paglilingkod hanggang alas-12:00 ng tanghali ng Nobyembre 3.

Ang “Lakbay-Alalay” ay kinabibilangan ng composite teams mula sa DPWH regional at district offices na handang rumesponde sa anumang emergency sa kalsada at magbigay ng libreng repair assistance sa mga motorista at manlalakbay na publiko sa kasagsagan ng holiday.

Inatasan din ni Singson na makipag-coordinate ang mga regional offices sa Land Transportation Office, Philippine National Police at mga opisyal ng lokal na pamahalaan, upang maibigay sa publiko ang anumang assistance na kailangan.

Mag-uulat din umano ang mga tauhan ng ahensya ng situational reports kada anim na oras upang i-monitor ang situwasyon ng traffic at makapagbigay impormasyon at babala o traffic advisories sa mga hindi madaanang kalsada.

Inaasahan na ng publiko ang maayos na daan patungo sa mga sementeryo at memorial parks kaya tuluy-tuloy ang mga routine road maintenance sa mga highways upang tuluy-tuloy din ang daloy ng trapiko sa mga kalsada lalo ngayung pagdiriwang ng Undas, ayon pa kay Singson. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply