Lalabag sa DTI price freeze order ikukulong

MAY kulong at mataas na multa ang sinumang negosyante na lalabag sa ipinatutupad na freeze order ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga binahang lugar sa Luzon.

Ayon kay Trade Undersecretary Zenaida Maglaya, may ipinatutupad na silang price freeze para sa basic commodities sa ilang lugar na pangunahing naapektuhan ng magkasunod na bagyong Pedring at Quiel.

Sinabi ni Maglaya na iiral ang nasabing kautusan sa 17 lugar na nasa ilalim ng state of calamity kabilang ang:

  • Amulong, Cagayan
  • Obando, Bulacan
  • Calumpit, Bulacan
  • Dinalupihan, Bataan
  • Noveleta, Cavite
  • Santiago City
  • Tuguegarao City
  • Meycauayan, Bulacan
  • Olongapo City
  • Tarlac
  • Malabon
  • Navotas
  • Marikina City
  • Quirino
  • Isabela
  • Nueva Ecija
  • Cavite

Ang sinumang lalabag sa kautusan ay pagmumultahin ng P1 million o kaya ay pagkakakulong ng isa hanggang limang taon.

Pero kung hoarding ang kaso maaaring pagmultahin ang respondent ng hanggang P2 million at makulong ng lima hanggang 15 taon na walang piyansang irerekomenda.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply