Lalaki tumalon mula sa 4th floor ng mall, dedo

ISANG hindi pa nakilalang lalaki ang nagpakamatay sa loob ng Robinsons mall sa Imus, Cavite, kanina.

Ito ang kinumprima ng Cavite police.

Ayon sa mga saksi, nakita nilang tumalon ang nasabing lalaki na inilarawan ni Supt. Hersan Mojica, hepe ng Imus Police, na nasa pagitan ng edad 25 hanggang 30, nakasuot ng maong na pantalon, itim na t-shirt at mahaba ang buhok.

Bago mag-ala-una aniya kanina nang biglang tumalon ang lalaki mula sa ikaapat na palapag ng mall.

Nakuha sa wallet nito ang P300 (cash) subalit walang nakitang identification cards.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply