Land-grabbing syndicate kumikilos sa Bataan

IBINUNYAG ng Riverforest Development Corporation, ang kompanya ng Litton family na may-ari ng 213 ektaryang lupain sa Brgy, Sumalo, Dinalupihan, Batgaan, ang ginagawa umanong disimpormasyon at panlilinlang sa publiko ng isang land-grabbing syndicate upang guluhin ang kapayapaan sa kumunidad at ikubli ang kanilang iligal na aktibidad at mga lupain.

Kuwento ng opisyal ng Riverforest sa Chokepoint na malinaw ang nadaramang pananatili ng kaayusan at kapayapaan sa Barangay Sumalo na bunga ng inisyatibong kanilang isinusulong para sa kapakanan ng mga undocumented settler alinsunod sa isinasaad ng ‘Sumalo Settlement Plan of 2011’— isang comprehensive settlement package na nagdedetalye sa benepisyo at klasipikasyon ng mga residente at magsasaka sa nasabing lugar.

Wala raw eviction na nagaganap o isasagawa, tulad ng ikinakalat ng grupong may interes sa lupain. Ang totoo, pagbibigay ng lot donation ang pinatutupad ng Riverforest para sa mga resident-settlers na ang buong akala nila ay walang nagmamay-ari ng lupaing tinirahan o sinasaka nila,” paliwanag ng Riverforest official.

Idinagdag din ng opisyal na ang pagbabakod sa 213 lupain ay mapayapang naipatupad base sa writ na ipinalabas ni Dinalupihan RTC Judge Jose Ener Fernando noong January 27, 2011 na nagpatibay sa pagmamay-ari ng Litton sa

Sumalo estate base sa final decision ng Supreme Court noong Agosto 31, 2006.

Nais lang umanong linlangin ng tatlong malalaking negosyante – isang nagngangalang ‘Benjie’, ‘LC’ at kasosyong ilang retired general na hinihinalang sindikato ng landgrabbers ang pamahalaan, partikular ang Department of Agrarian Reform, at papaniwalain ito na ang unregistered settlers sa Sumalo ay mahihirap na mga magsasaka.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply