Landas ng NBA dumidilim

INAMIN ni National Basketball Association (NBA) Commissioner David Stern na dumidilim na ang landas ng ligang pinamumunuan.

Ayon kay Stern, malalagay na sa balag ng alanganin ang buong season dahil hindi napagkakasunduan ang agreement ng players at team owners.

Aniya, kapag hindi naplantsa ang gusot sa collective agreement ay baka masakripisyo ang buong liga.

“Each side is going to meet with the mediator on Monday, and if there’s a breakthrough, it’s going to come on Tuesday,” pahayag ni Stern. “And if not, I think that the season is really going to potentially escape from us, because we aren’t making any progress.”

Matatandaan na kinansela ang unang dalawang linggo ng regular season dahil hindi pa rin maayos ang labor dispute ng magkabilang panig.

Sa Oct. 17 ay maghaharap ang owners at players association kasama si federal mediator George Cohen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply