Landslide sa Negros: 2 patay, 1 sugatan

DALAWA ang nalibing ng buhay samantalang isa ang nasugatan matapos magkaroon ng landslide sa bayan ng Pamplona, Negros Oriental.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Kiram Quibate at Leogen Baya na natabunan ng buhay samantalang si Beltran Anfone Jr. ay nasugatan at dinala na sa pinakamalapit na pagamutan.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council naganap ang insidente dakong 4:45 ng hapon ng Huwebes, ika-20 ng Oktubre sa Barangay Calicanan sa nabanggit na bayan.

Sinisi ng NDRRMC ang pagka-quarry sa naturang lugar kung kaya’t nagkaroon ng landslide.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply