La’O, Thomann kampeon sa 2011 Circuit Showdown

KUNG anong ikinasungit ng panahon, siya namang ikinatuwa ng 77 karerista na nagtagisan ng galing sa 8th at final round ng 2011 Circuit Showdown, dalawang linggo na ang lumipas.

Kasabay ng pagbayo ng bagyong Quiel sa kalakhang Luzon, binayo rin ng circuit racers ang Clark International Speedway sa pagnanais na maiuwi ang titulo bilang kampeon ng 2011 Circuit Showdown.

Sinimulan ni Philip Alvendia ang pag-ratsada sa racetrack matapos nitong talunin sina Paolo Mantolino at Ferdinand Sia sa Grid A. Sumunod sa yapak ni Alvendia si Gernand Andino na siyang nagwagi sa Grid B, kasunod sina John Pacres at Marcus Timbol.

Swabeng-swabe naman ang pagkakapanalo ni Mato Tan sa Grid R race laban kina Rafael La’O at Stefano Marcelo, ngunit pinatunayan naman ni Marcelo na hindi siya basta-basta magpapatalo pagdating sa Time Trials matapos niyang maungusan si Tan ng 2.593s na pumasok sa ikalawang pwesto, bago ang driver na si Carlos Anton.

Sakay ng kanyang HKS DC2, inararo ni Edward dela Rosa ang Clark International Speedway para makuha ang 1st place sa Group B race, habang sumiksik naman sa 2nd at 3rd place sina Jun Cruz at Rafael La ‘O. Ang baguhan na si Palle Hansen nag-uwi ng unang pwesto para sa Group C, na sinundan nina Wesley Tsai at Stevie Rojas. Wagi rin sa Group D si Christopher Guerzon at sa Group E naman si Gary Netio.

Ngunit anumang hataw ang ginawa ng mga racers, walang sinuman sa kanila ang nakalamang sa puntos na inipon nina Marc Thomann at Rafael La’O ngayong taong ito. Sa loob ng 8 rounds, magkahalong putik,alikabok, tubig at gasolina ang pinakain ng dalawang kampeonato sa kanilang mga katunggali habang tuluy-tuloy silang umarangkada patungo sa finish line.

Nakakuha ng overall score si La’O na 138 points at itinanghal na kampeon sa Grid Race, habang si Thomann naman ay nakakuha ng overall score na 71 points at hinirang na kampeonato ng Time Attack.

Ang Awarding Ceremonies ay gaganapin sa ika-22 ng Oktubre sa Garage 88 Bar & Resto.

Ang sumusunod ay ang final score at standing sheet ng 2011 Circuit Showdown:

Bracket A:
1st Marc Thomann 71
2nd Carlos anton    62
3rd Joby Tanseco   52

Bracket B:
1st Hernel Castillo. 69
2nd Jeffrey Roxas-Chua 42
3rd Edward Dela rosa 39

Bracket C:
1st Rico Cheng.     59
2nd Palle Hansen. 30
3rd Ramon de Oteyza 25

Bracket d:
1st Gernand Andino 38
2nd Christian Sedano 35
3rd Alan Arguelles.  34

Bracket E:
1st Mark Arce.    36
2nd Ulysses Paredes 28
3rd Christian Sedano. 20

Bracket F:
1st Jules Arambulo 28
2nd Polo Bautista.  26
3rd Ivan Antonio.    22

Grid R:
1st Rafael La’O  138
2nd marc Thomann 122
3rd Eggy Ong.

113  Grid A:
1st Philip Alvendia 125
2nd Ferdinand Sia  123
3rd Paolo Mantolino 107

Grid B:
1st John Pacres 127
2nd Marcus Timbol 125
3rd Alan Arguelles 37

Ang 2011 Circuit Showdown ay suportado ng Duro Tires, ROTA Wheels, DKC Tire Center, Speedlab, Dynapack, Richmond Autoparts, Discovery Suites, Mishimoto, Blox, Recaro, Pitworkz by Hongly, Foil A Car, XYZ Suspension, Z Works Carbon, Runstop Rotors, ECW Performance, Dynamic Suspension, HKS Super Oil, Garage 88 Bar & Resto, Inside Motoring, C! Magazine, Turbo Time, Stoplight TV, Ronda Remate Motoring, Business Mirror at ng 99.5RT.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply