Laruang may toxic chemicals nagkalat sa Divisoria

INAMIN ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Senado na ibinebenta ngayon sa maraming lokal na pamilihan tulad ng Divisoria ang mga laruan at ibang produktong kontaminado ng nakalalasong kemikal na ikinaaalarma ni Sen. Manny Villar.

Sa kanyang pagdalo sa ginanap na pagdinig ng Senate committee on trade and commerce na pinamumunuan ni Villar, sinabi ni  DTI Bureau of Trade Regulation and Consumer Protection Director Victorio Dimagiba  na nagpalabas na sila ng babala sa publiko laban sa pagbili ng ganitong uri ng produkto.

Iniimbestigahan kasabay nang konsultasyon ang isinasagawa ni Villar sa ilang panukalang batas na naglalayong ipagbawal ang importasyon ng laruan na may toxic material at nakalalasong kemikal at isang panukala hinggil sa child safety against choking and substandard products.

Sinabi ni Villar na inimbitahan ng komite ang ilang ahenisya ng pamahalaan upang malaman hinggil sa kanilang pagkilos na isinagawa o ipinatutupad laban sa importasyon ng produkto at materyales tulad ng laruan at iba pang pangregalo na kontaminado ng nakalalasong kemikal.

Igniit pa ni Villar na nais malaman ng komite ang lahat ng impormasyon at pananahong manipestasyo sa pagbubuo ng panukala upang magkaroon ng regulasyon sa tumpak na labeling at pagbabawal sa importasyon ng produkto na may toxic materials tulad ng tingga.

Sinabi naman ni Engr. Renato Ongkoy ng Bureau of Health, Devices Technology ng Department of Health na may ilang mamahaling laruan ang ibinebenta sa malalaking malls na kontaminado di ng nakalalasong kemikal.

“We have recalled these toys from their shelves,” ayon kay  Ongkoy ngunit hindi binanggit ang brand name ng mga laruan at produkto.

Tiniyak naman niya sa komite ni Villar na karamihan sa laruan na ibinebenta ngayon sa malalaking malls sa bansa ay pawang toxic-free na, sinuri at isinailalim sa strict monitoring ng kagawaran upang pangalagaan ang kaligtasan at kalusugan ng consumer partkular ang mga bata.

Ngunit, nagpahayag naman ng pagdududa si Villar sa tugon ni Ongkoy matapos mapag-alaman na umabot lamang sa lima ang kanyang tauhan upang magsagawa ng surveillance sa mga ganitong uri ng produkto.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply