Las Piñas City: Pugad ng durugista at magnanakaw

ANG Las Piñas City ay singka-hulugan ng mga Aguilar. Sa loob ng mahigit na tatlong dekada, halos mga lahi ng Aguilar ang namuno sa pamahalaang lungsod ng Las Piñas.

Saksi ako sa naging makulay na pagbabago ng Las Piñas – mula sa nagpuputik na lansangan ng Zapote hanggang sa maging kongkreto at lumuwang ang mga daan at ang malawak na mga bukirin ay naging mga subdivision na ngayon ay tahanan ng mga mayayaman at kila Rep. Juan Miguel Arroyo, wife face P73.8M tax evasion suit kilalang pamilya, tulad ng mag-asawang Manny at Cynthia Villar.

Mayabang na nakatindig riyan ang malalaking malls na kinaroroonan ng mga sinehan at lahat ng kailangan sa pamumuhay ay madaling makukuha sa Las Piñas mismo na hindi na papasada sa pinakapusod ng Metro Manila.

Nagsulputan ang mga condominium, malalaking simbahan at business establishments, tulad ng mga call center na nagkakaloob ng trabaho sa mga taga-Las Piñas.

Ang kaunlaran ng mga bayan at lungsod ay laging may kapatid ng mga problema – trapik sa dami ng mga sasakyan; laganap na droga na nagbubunga ng problema sa kaayusan at katiwasayan ng isang maunlad na lungsod.

Pinasok ng magnanakaw ang aking tahanan sa Remarville-Sterlinglife Subdivision sa Pamplona Dos, Las Piñas City.

Halos malimas ang laman ng aking bahay – kinurakot ang malaking tv at radio  sets na libangan ng aking apo, laptop, alahas at kaunting pera na matagal  kong inipon.

Ito ay pangalawa nang insidente – na-carnap na rin ang aking service SUV  bilang director ng isang ahensiya ng gobyerno.

Nabawi ang sasakyan pagkaraan ng tatlong taon sa bahagi ng La Union, pero wala nang pakikinabangan.

Walang tao sa aming bahay nang pumasok ang mga magnanakaw.

Mabuti na rin siguro, dahil kung nagkataon na ako ay nasa bahay – baka ako ay nakapatay  at  pwede  rin  na ako ang mapatay.

Inireport namin sa barangay at pulis ng Las Piñas ang malungkot na insidente – walang ginawang aksyon ang pamunuan ng barangay at mga tauhan ng pulisya. Hindi man lamang nagpadala ng mga tauhan sa aking bahay upang makunan ng finger prints ang pintuan o bintana na dinaanan ng mga dorobo.

Doon naman kasi sa aming maliit na subdivision, sa taglay na kaliitan ay dalawa pa ang outposts ng mga gwardiya samantalang iisa lamang ang entrance. Hindi ko maisip kung ano ang lohika nito – maliban sa ang mga nakatira sa subdi-vision ay pilit na nagpapataasan ng ere at plastikan ang umiiral sa bawat isa.

Hindi lahat ay nagbabayad ng monthly dues sa homeowners association.

Paano ka naman magbabayad kung hindi kayang bigyan ng proteksiyon ang mga residente at nakalulusot ang mga magnanakaw sa dalawang outposts.

Biruin mong pinuri pa raw ng gwardya ang ganda at laki ng tv set na ninakaw at nang sabihin ng mga dorobo na ililipat lamang ng bahay, aba, eh, pinalabas na at hindi man lamang kinuha ang pangalan ng magnanakaw.

Talagang hindi ko malaman kung ano ang ginagawa ng mga pulis ng Las Piñas City.

Laganap ang ipinagbabawal na gamot na sumisira at luma-lason sa kaisipan ng mga kabataan.

Bihira ang mga pulis na makikita mong nagtatrapik sa mga lansangan.

Ito ay ipinaubaya ng pamahalaang lungsod sa mga traffic- enforcer na mahigit na isang daan, pero ang naka-duty ay meron lamang 70.

Matingkad na orange ang uniporme, maliit na nga ang suweldo ay naaatraso pa.

Your honor, Mr. Mayor Nene Aguilar, hindi dapat masira ang pangalan ng iyong yumaong ama dahil sa lumalalang problema sa kaayusan at katiwasayan ng Las Piñas City.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply