Lasenggong tatay namaril; pulis, misis sugatan

DAHIL sa kalasingan, isang lalaki sa lungsod sa Iriga sa Camarines Sur ang namaril sa kanyang misis at sa pamangking pulis.

Ang biktimang pulis ay kinilalang si PO2 Celso Bagasina na agad isinugod sa ospital habang ang suspek ay nakilala namang si Edgar Awa, 62.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, naglalaro umano ng baraha si Bagasina at mga pinsan nito nang dumating ang lasing na tiyuhin at kaagad binaril nito ang pamangking pulis. Nakipagtalo pa umano si Awa sa kanyang misis kung kaya’t nabaril din ito sa hita.

Sa ngayon ay nasa Doña Josefa Hospital ang suspek dahil inatake ito ng high blood matapos ang krimen.

Ayon sa pulisya, oras na makalabas ng ospital si Awa ay nahaharap ito sa kasong frustrated murder.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply