LBC branch sa Pasay nilooban

SINISIYASAT na nga mga tauhan ng Pasay City Police Bomb Disposal Unit ang isang kahon na hinihinalang naglalaman ng bomba na iniwanan ng mga holdaper sa loob ng LBC brach sa Pasay kaninang umaga .

Batay sa report ni SPO2 Dennis Ang ng Explosive Ordnance Division (EOD), ang panghoholdap ay naganap dakong alas-10:00 ng umaga sa LBC branch na nasa kanto ng FB Harrison at Libertad sa nabanggit na lungsod.

Hinihinalang apat hanggang amin na suspek ang pumasok sa establisimiyento at tinutukan ng baril ang mga empleyado bago kinuha ang mga salapi sa drawer bago uniti-unting lumabas ng establisimiyento.

Habang lumalabas, isang malaking kahon ang iniwanan ng mga suspek na nagresulta sa pagpa-panic ng mga customers at empleyado ng LBC.

Sa kasalukuyan ay inaalam pa ng mga awtoridad kung magkano ang natangay ng mga suspek at kung tunay na bomba ang iniwanan ng mga ito habang sisusuri pa ng mga EOD ang kahon. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply