Leptospirosis nakukuha rin sa ihi ng ibang hayop

HINDI lamang sa daga nanggagagaling ang sakit na leptospirosis.

Ito ang inihayag ni Department of Health (DOH) Western Visayas Regional Epidemiologist Dr. Glen Alonsable taliwas sa paniniwala ng publiko na sa ihi ng daga lamang nakukuha ang naturang sakit.

Ayon kay Alonsable, maging sa ibang mga hayop ay nakukuha na rin ang sakit na leptospirosis.

Pinayuhan naman nito ang publiko na mag-ingat din sa mga ihi ng mga hayop tulad ng kalabaw, baka, baboy, kambing, aso at pusa na ayon sa doktor ay nagbibigay din ng leptospirosis.

Sinabi nito na kapag na-expose ang sugat o napasukan ng tubig na may ihi ng nasabing mga hayop ay maaring magkaroon ng lagnat at makaramdam ng matinding pananakit ng ulo ang isang indibidwal na maaring maramdaman sa loob ng apat hanggang 14 na araw. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply