Letran humirit pa sa NCAA Final Four

TEAM defense ang sinandalan ni Letran Knights head coach Louie Alas upang tambangan ang San Sebastian College Stags, 70-62, kahapon, (Oktubre 17) sa crossover semifinals ng 87th NCAA seniors basketball competition sa The Arena sa San Juan.

“We’re still alive, we played good dito sa Final Four pero isang game pa lang itong naipanalo namin.” saad ni Alas.

Tabla ang score sa 44-all papasok ng final canto subalit nagpasabog agad ang Knights ng 12-2 upang makakawala sa Stags, 56-46, may 6:48 pa ang natitirang oras.

May incentive na twice-to-beat ang SSC dahil sa kanilang pagiging no.2 sa pagtatapos ng eliminations at bukas gaganapin ang rubber match kung saan ay malalaman na kung sino ang makakaharap ng defending champion San Beda College sa finals. Nauna nang sumampa ang Red Lions matapos payukuin ang No. 4 seed Jose Rizal University Heavy Bombers, 83-74.

Isang field goal lang ang naisalpak ng Stags sa fourth period ng umiskor si Ronald Pascual sa three point area para sa 65-58 bentahe ng Letran may 2:42 ang nalalabing oras.

Samantala, paparada sa susunod na yugto ng stepladder semis sa juniors ang CSB-La Salle Greenhills Junior Blazers sa paglaglag sa Emilio Aguinaldo College Brigadiers, 88-74.

Makakalaban ng Junior Blazers ang Letran Squires para sa karapatang hamunin ang naghihintay na sa finals at may thrice-to-beat incentive na two-time winner Red Cubs. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply