Libreng sakay ng LRT sa senior citizen nagkabulilyaso

NAMUTI ang mata ng mga senior citizen sa paghihintay ng masasakyang Light Rail Transit dahil hindi inaasahang magkaabrerya at walang bumiyahe sa LRT stations.

Ang libreng sakay sa katandaan ay bilang pagdiriwang ng “Elderly Filipino Week.” Magtatamasa ng libreng sakay sa Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) ang lahat na mga matatanda na mayroong senior citizen ID.

Sinabi ni LRT Administrator Rafael Rodriguez na ang kanilang libreng sakay ngayon ay para sa mga senior citizens bilang tugon sa naging kahilingan ng Department of Social Welfare and Development na bigyang pagkilala ang mga lolo’t lola.

Ngunit sa hindi malamang dahilan, bahagyang nagkaproblema ang biyahe ng LRT kaninang umaga.

Ayon sa mga pasahero, kaninang alas-5:00 ng umaga ay naghihintay sila ng tren ngunit wala umanong bumibiyahe.

Sinabi ni Atty. Hernando Cabrera, tagapagsalita ng LRTA, wala naman siyang natatanggap na impormasyon mula sa kanilang operator na nagkaroon ng aberya sa kanilang tren. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply