Libreng text at tawag sa panahon ng krisis

SA panahon ng panganib, krisis, disaster, kalamidad at national at local emergency ay hiniling ni Rep. Winston “Winnie” Castelo (Liberal Party, Second District of Quezon City) sa major and minor telecommunications firms na ibigay ng libre ang kanilang serbisyo sa text at tawag.

Sa naging resolusyon ni Castelo, kanyang hinikayat ang liderato ng House of Representatives sa paghiling ng libreng texts and calls mula sa telecommunications firms dahil ito ay malaking tulong sa pagligtas ng  buhay, pag-iwas sa  panganib at para sa maayos na pagpapatupad ng evacuation  at  pagbibigay ng relief operations habang may disaster.

Lalo na ngayon aniya na ang bansa ay nalalagay sa palagian at sunod-sunod na natural at man made na disasters kaya dapat ay magkaroon ng awtomatikong pagbibigay ng libreng serbisyo ng mga telecommunication companies sa kanilang subscribers na nagiging biktima  ng  mga kalamidad o delubyo.

Naniniwala si Castelo na magsilbing malaking tulong ito sa mga nagiging biktima ng mga kalamidad lalo na kung ang maging ang kanilang ari-arian o pangkabuhayan o maging kanilang mahal sa buhay ay nasawi o kaya ay sinira ng bagyo.

Sinabi ng solon na palaging nagbibigay ng tulong at serbisyo ng PLDT at  Globe  Telecom  sa mga disasters victims at  national  emergencies  kaya maaaring ang kahilingang  libreng  texts and  calls  ay maipapatupad na rin sa panahon  ng pangangailangan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply