Lingig mayor, military escort palalayain na

MAKARAANG ipatupad ang Suspension of Offensive Military Operation (SOMO) sa Surigao del Sur palalayain na ngayong tanghali ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang dinukot na alkalde at military escorts nito.

Batay sa nakalap na impormasyon, nakahanda na ang tatlong ng bihag ng NPA na sina Lingig, Surigao del Sur mayor Henry Dano kasama ang military escorts na sina PFC Alan Saban at Corporal Alrey Desamparado para sa kanilang paglaya  matapos ang mahigit dalawang buwang pagkakabihag.

Ayon kina PFC Saban at Cpl. Desamparado, mabuti umano ang kanilang kondisyon ngayon dahil matapos makapag-kape ay nag-jogging pa umano ang mga ito sa isang eksklusibong lugar na dinalhan sa kanila.

Bago ang pagpapalaya, may gagawin pang programa ngayong umaga bago ang official release ng nasabing mga bihag.

Nabatid na umapela ang asawa ni Dano na itigil muna ng militar ang pulisya ang kani-kanilang mga operasyon dahil sa pagpapalaya sa mga bihag.

Ayon kay Surigao del Sur Gov. Jhonny Pimentel, Chairman ng Local Crisis Management Committee, ipinatupad nila ang SOMO para ligtas na mapalaya si Dano.

IIang lugar sa Surigao del Sur at Davao Oriental ang inilagay sa SOMO simula nitong Oktubre 7 hanggang ngayon. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply