Live-in partner pinatay ng SWAT

NAGPAPATULOY ngayon ang isinasagawang imbestigasyon  kaugnay  sa motibo sa pagdukot at pagpatay sa isang babae ng kanyang live-in partner na miyembro ng Special Weapon and Tactics-Bureau of Correctional, sa Muntinlupa City.

Namatay kaninang madaling araw dahil sa 36 na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at isang
tama ng balas a hita ang biktimang si Charisse Ecogo, 21, residente ng Vicar Building NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City.

Batay sa imbestigasyon ni SPO4 Mary Roselle Geronimo ng Women’s Complaint and Protection Desk, ang insidente ay naganap dakong alas-8:30 ng gabi nang puwersahan dukutin ang biktima sa kanyang tirahan.

Ayon sa ulat, nagtungo sa himpilan ng pulisya ang kapatid ng biktima na si Kristine Marie Ecogo at ipinagbigay-alam ang pagkakadukot sa biktima ng kanyang kinakasama na kinilalang si Winifredo Cabugao, miyembro ng SWAT na nakatalaga sa Bureau of Correctional, Muntinlupa City.

Agad na tinungo ng mga awtoridad ang lugar na pinagdalhan sa madilim na bahagi ng Vicar building at doon umano pinagsasaksak at binaril ng suspek.

Ang biktima ay dinala ng isang tricycle driver sa Medical Center ng Muntinlupa dahil sa mga tama ng patalim at balas a katawan.

Hindi nagtagal, ang biktima ay binawian ng buhay sa ospital dahil sa malalang kondisyon.

Sa kasalukuyan pinaghahanap pa ng awtoridad ang suspek at inaalam pa rin kung paninibugho ang motibo sa pamamaslang ng suspek sa biktima. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply