Live-in partners binoga sa loob ng bahay, patay

NASAWI ang maglive-in partner makaraang barilin sa mismong bahay ng mga ito ng hindi pa nakilalang mga suspek sa Caridad, Cavite City.

Sa inisyal na imbestigasyon, natutulog ang mga biktimang sina Santos Tagle Jr. at Rowena Espiritu nang pasukin sa kanilang bahay at pagbabarilin ng mga suspek.

Ayon sa mga awtoridad, posibleng may kinalaman umano sa droga ang dahilan ng pamamaslang.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply