Live-in partners nag-away: buntis tumalon sa tulay

KASALUKUYANG inoobserbahan ang kalagayan ng apat na buwang buntis makaraan itong tumalon sa tulay matapos ang pag-aaway nila ng kaniyang live-in partner kaninang madaling-araw, Oktubre 6 sa General Santos City.

Nabatid na tumalon si Mylene Ardita, 23, ng Brgy. West sa lungsod ng Gensan makaraan ang sagutan nila ng kaniyang livein partner sa hindi naman batid na dahilan.

Naganap ang insidente bandang alas-12:00 ng madaling araw kung saan matapos ang pagtatalo sa loob ng bahay ay kaagad lumabas ang babae. Hinabol naman ito ng lalaki subalit nang malapit ng maabutan ay bigla na lamang tumalon sa tulay.

Nahulog ang biktima sa Lower Silway Bridge at tumama ang kaniyang likurang bahagi sa buhangin bunsod para magtamo ng sugat at pasa sa katawan ngunit himalang hindi ito dinugo.

Matapos maisugod sa pagamutan, kaagad din namang nagkaayos ang dalawa kung saan ay magkasama ngayon sa ospital.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply