Llamas babalatan na ni Miriam sa AK-47

WALA pang lusot si Presidential Police Adviser Ronaldo Llamas sa kinaharap na sigalot sa pagkakaroon ng matatas na kalibre ng armas sa kanyang sasakyan dahil naghain si Sen. Miriam Defensor-Santiago ng resolusyon upang imbestigahan ang insidente.

Kanina ay inihain ni Santiago ang Senate Proposed Resolution No. 622 na inaatasan ang Senate Blue Ribbon Committee na imbestigahan ang pagbibigay ng Philippine National Police (PNP) ng permit to carry ng armas partikular na may kaugnayan sa kaso ni Llamas.

Sinabi ni Santiago na tila nagkakaroon ng double standard ang PNP sa pagbibigay ng permit to carry matapos matuklasan na may permiso si Llamas na magdala ng limang matataas na uri ng baril tulad ng AK-47 at M-16 rifle.

“It appears that both the licenses and permit to carry were issued to Llamas after he had been appointed presidential adviser, on his mere claim that death threats have been made against him,” ayon kay Santiago.

Aniya. Kahit sinibak na ni Llamas ang kanyang security guards, kailangan din umanong managot ang kalihim matapos masangkot sa banggaan ang sasakyan nito na naglalaman ng matataas na kalibre ng baril.

“Although Llas has announced that he has fired his security guards, nonetheless, he should be held to account on the principle of command responsibility and the constitutional principle of modest living,” ayon sa mambabatas.

Nais din malaman ni Santiago ang rules and regulations na ginagamit ng PNP hinggil sa pagbibigay ng permit to carry na maaaring malisensiyahan ang isang tao at kung ilang armas ang puwedeng palisensiyahan ninuman.

Gustong malaman din ni Santiago kung sino ang top ten na nabigyan ng permit to carry ng PNP kabilang ang mga opisyal ng gobyerno na may matataas na kalibre ng armas matapos ang halalan nitong nakaraang 2010, at ngayon nagkakaroon ng banta sa kanilang buhay kabilang ang opisyal na nagbigay ng permiso.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply