Llamas magbibitiw kung si PNoy ang magsasabi

KUNG hihilingin ni Pangulong Noynoy Aquino, magbibitiw si Presidential Political Adviser Ronald Llamas sa puwesto hinggil sa kontrobersyal na pagkakasangkot ng kanyang sasakyan na nakitaan ng ilang high-powered firearms na kinabibilangan ng M-16 armalite at AK-47 assault rifle.

“If the President will ask for my resignation, I am ready to resign,” ani Llamas.

Una nang ipinagkibit-balikat ni Llamas ang mga batikos kaugnay sa mga nadiskubreng armas sa loob ng kanyang nabanggang sasakyan dahil bilang pagtatanggol sa sarili ay sinabi niong may pagbababanta sa kanyang buhay.

Magugunitang ilang kongresista at senador ang kumukuwestiyon sa mga nasabing baril lalo pa’t wala noon sa bansa si Llamas at kung saan ito nakarehistro.

Sinabi ni Llamas na iginagalang nito ang opinyon ng mga kritiko at ang mahalaga ay nasunod naman ang mga procedure.

Ayon kay Llamas, kung mga makakaliwang kongresista din ang nasa kanyang katayuan, tiyak umanong mararamdaman din nila ang pangangailangan ng seguridad.

Para naman sa Malacañang, magsisilbing leksyon sa gabinete ang naging karanasan ni Sec. Llamas.

Inihayag ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, magsisilbing aral ito sa ibang miyembro ng gabinete para paalalahanan ang security details.

Giit pa ni Lacierda, ang karanasan ni Llamas ay isang hiwalay na insidente  at hindi dapat gawing repleksyon ng buong official family.

Bagama’t naniniwala si Lacierda na walang liability si Llamas, handa naman umano ang kalihim na humarap sa anumang imbestigasyon.

Bahala na umano ang PNP kung sa tingin nila ay may pananagutan si Llamas kahit pa wala naman ito nang mangyari ang aksidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply