Llamas pananagutin sa AK-47 rifle

TINIYAK ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na maghahain siya ng kaukulang resolusyon upang imbestigahan ang pagkakaroon ni Presidential Political Adviser Ronald Llamas ng mahahaba at matataas na kalibre ng baril.

Sinabi ni Santiago, masyadong nakapagtaka kung bakit nagkaroon ng permit to carry si Llamas na tila may matinding banta sa kanyang seguridad dahil hindi naman ito naghahabol sa mga sindikatong kriminal.

“Bakit siya nabigyan ng permit to carry ng mahahabang armas. Ako noong kasagsagan ng ating kampanya sa Bureau of Immigration, hindi ako pinayagan na magkaroon ng mahabang riple. Pero, ito ngayon, isang kalihim, binigyan ng permit,” ayon kay Santiago.

“Paiimbestigahan ko yan,” aniya.

Sinabi ni Santiago na kanyang ipatatawag ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) kung ano ang pamantayan na ipinatutupad ng pulisya sa pagbibigay ng permit to carry ng mahabang armas.

“Ano ang kanilang alituntunin. Ano ang kanilang pamantayan. Dapat ba malapit ka sa may kapangyarihan, mabibigyan ka na ng permit to carry ng mataas na kalibre ng baril. Masyado ba siyang malakas sa Palasyo, at nabigyan siya ng permit?” kuwestiyon ni Santiago.

Nitong nakaraang, nabangga ang sasakyan ni Llamas habang nasa abroad ito ngunit natuklasan ng awtoridad ang ilang matataas na kalibre ng baril katulad ng AK-47 assault ripple at ila pang hand guns.

Naniniwala si Santiago na hindi masyadong kailangan ni Llamas ang matataas na uri ng kalibre ng baril dahil kung natatakot ito sa mga banta sa kanyang buhay bilang isang political adviser ng Pangulo, dapat siyang magbitiw sa puwesto.

“Dapat magbitiw na siya sa puwesto kung natatakot siya,” giit ni Santiago.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply