Lokal na industrya sa paggawa ng train, iminungkahi

HINIMOK ni senador Ralph Recto ang pamahalaan na pag-aralang maglunsad ng lokal na industriya ng paggawa ng tren, kasabay ng paglalaan ng P6.37 bilyon para sa pagbabago ng MRT at LRT.

Ayon sa senador, panahon na para maglunsad ng lokal na industriya na magsusuplay ng replacement parts o ng train mismo para sa LRT at MRT system.

Paliwanag ni Recto, ang patuloy na importasyon ng coaches at spare parts ng MRT at LRT ay nangangahulugan ng patuloy na pagtulong sa mga dayuhang manggagawa.

Giit ng senador, kung magagawa umano ito ng mismong mga kababayan natin, nakatitiyak na bukod sa makalilikha ito ng trabaho para sa mga Pilipino, tiyak ding makakatipid ang gobyerno.

Binigyang-diin ni Recto, dapat gawing modelo ng gobyerno ang nagtatagumpay na shipbuilding o shiprepair industry sa Cebu at Subic o ‘di kaya naman ay gaya ng jeepney assemblers para simulan ang train-making industry sa bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply