Lola patay sa sunog sa GenSan

NALITSON ang isang lola matapos tupukin ng apoy ang mahigit 100 kabahayan, Lunes ng gabi (Oktubre 24) sa General Santos City.

Sa ulat ng mga fire official, natutulog sa kaniyang bahay ang biktimang si Leonora Maliorca, 78, sa
Barangay Calumpang nang sumiklab ang sunog dahil sa napabayaang kandila.

Ayon sa anak ng biktima na si Boy Maliorca, mag-isa lamang sa bahay ang kaniyang ina nang maganap ang sunog.

Umabot ng dalawang oras bago tuluyang naapula ang apoy ng mga bombero ang apoy. Inaalam pa ang halaga ng ari-arian ang napinsala ng apoy. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply